-- Advertisements --

Lalo pang lumubo ang danyos na iniwan ng Super Typhoon Uwan sa sektor ng pagsaska, batay sa inisyal na pagsusuri mng Department of Agriculture (DA)

Sa ngayon, umabot na sa P188.27 million ang halaga ng danyos habang umabot na rin sa 6,580 magsasaka ang natukoy na apektado.

Nag-iwan ang malakas na bagyo ng 10,839 production loss at naka-apekto sa mahigit 3,900 ektarya ng mga sakahan.

Inaasahang lalo pang tataas ang halaga ng danyos na dulot ng naturang super typhoon habang nagpapatuloy pa rin ang assessment at validation, lalo na sa maraming lugar na nalubog sa tubig baha, hanggang sa ngayon.

Nagpapatuloy din ang evaluation na ginagawa ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa mga sakahang naapektuhan, para sa maagang paglabas ng bayad-danyos para sa mga magsasaka.

Sa kasalukuyan, nakapaghatid na rin ang DA ng inisyal na tulong sa ilang magsasaka sa Northern Luzon tulad ng distribusyon ng hybrid seeds upang makapagtanim kaagad kapag tuluyan nang bumuti ang panahon.