-- Advertisements --

Pinapalaliman ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa procurements at distribusyon ng farm inputs at mga makinarya sa ilalim ng naturang ahensiya.

Una na kasing nagsagawa ng pagsusuri ang naturang ahensiya noong unang bahagi ng 2026 at walang nakitang iregularidad.

Gayunpaman, muling nagrereklamo ang ilang grupo ng mga magsasaka ukol sa umano’y anomalya, kaya’t ipinag-utos ni Sec. Laurel Jr. na muling magsagawa ng pagsusuri at laliman ang pagsisiyasat.

Giit ng kalihim, kailangang matiyak na ang pondo sa naturang programa ay nagagastos ng tama at maayos.

Kung mayroon man aniyang pagkakamali, lalo na kung nagawa ito ng mga opisyal ng DA, ay dapat lamang na maitama.

Muli ring umapela ang kalihim sa mga magsasaka na tumulong sa pagbubunyag sa naturang isyu kung mayroon mang hawak na ebindensiya para mas mabilis ang ginagawang imbestigasyon.

Maliban sa procurement, iniimbestigahan din ng DA ang umano’y ulat sa pagkaantala sa delivery ng mga fertilizer sa mga magsasaka.