-- Advertisements --

Inaasahang magiging malaking tulong sa mga magsasaka ang pormal na pagkakaloob ng modernong Rice Processing System II (RPS II) sa Talabutab Norte Primary Multipurpose Cooperative.

Ayon sa ulat, mahigit 11,000 magsasaka mula sa naturang lugar at mga karatig-bayan ang tuwirang makikinabang sa proyektong ito upang mapabilis at mapaganda ang pagproseso ng kanilang mga ani.

Inaasahang mababawasan ng P2 hanggang P3 kada kilo ang gastos sa produksyon sa tulong ng pasilidad na ito, na magbibigay-daan sa mas malaking kita para sa mga magsasaka.

Bukod dito, malaki ang maiaambag nito sa pagpapababa ng postharvest losses o pagkalugi pagkatapos ng ani upang masiguro ang mas mataas na kalidad ng bigas at matatag na kabuhayan.