-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakasalba sa 32 metric tons ng gulay mula sa Cordillera Administrative Region mula sa epekto ng mga magkakasunod na kalamidad.

Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa napigilan ng ahensiya ang posibilidad ng pagkakabulok ng mga ito mula sa matitinding pag-ulan at pagbaha na dulot ng Habagat at ng mga bagyong Neneng at Maymay.

Sa inisyatiba ng DA, nagawan ng paraan na madala ang mga ito sa mga pampublikong pamilihan para maiwasan ang pagkasira nang hindi nadadala samerkado.

Karamihan sa mga naisalbang ani aniya, tulad ng carrots, Chinese cabbage, atbpang high value rops, ay maagang itinakbo at ibinaba sa mga lugar na higit na naapektuhan ng ulan.

Dinala ang mga ito sa Pampanga, Cavite, Metro Manila, atbpang lugar, sa tulong ng mga trucker ng DA truckers.

Ayon pa kay De Mesa, dahil sa mabilis na pagbibiyahe ng mga produkto mula sa mga sakahan patungong pamilihan, napanatiling sapat ang supply ng gulay sa kabila ng pagiging impassable o hindi nadadaanan ng ilang kalsada sa gitna ng matinding ulan.