-- Advertisements --

Nanawagan ang International Coalition Human Rights Group in the Philippines (ICHRP) sa International Criminal Court (ICC) na agad maglabas ng arrest warrants laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na tinukoy bilang mga “co-prepatrators” sa umano’y crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag sinabi ni ICHRP Chairperson Peter Murphy na dapat umanong litisin nag mga pinagalanang opisyal kasabay ni Duterte, na kasalukuyang nasa kustidya ng ICC. Aniya, nananatiling malinaw na hindi kayang usigin ng sistemang panghukuman sa Pilipinas ang mga umano’y sangkot, at hababng malaya pa ang mga ito ay maaring masira ang mga ebidensya, matakot ang mga testigo, o kaya ay makatakas sa kanilang pananagutan.

Iginiit din ng grupo na ang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso sa Pebrero 23 ay magsisilbing mahalagang hakbang para sa mga biktima ng drug on war. Tinanggap din ng ICHRP ang nagging desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber I noong Enero 26 na ibasura ang mga mosyon ng kampo ni Duterte na hindi siya fit for tria, dapat palayain, o ipagpaliban ang pagdinig, at ang mga alegasyon na hindi naging patas ang proseso.

Sa dokumentong inilabas ng ICC noong Pebrero 13, pinagalanan ang ilang umano’y co-conspirators sa war on drugs, kabilang sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go, dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, at mga dating hepe ng Philippine National Police.

Samantala, Mariin namang itinanggi nina Aguirre at Go ang pagkaksangkot sa kampanya kontra daroga ng dating administrasyon, habang si Dela Rosa naman na siyang itinuruing na arkitekto ng “Oplan Tokhang” ay hindi pumasok sa senado mula noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos ipahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.