Adam Sky
Adam Sky/ FB post

Patay ang sikat na Australian music DJ na si Adam Sky matapos na ito ay maaksidente sa Bali, Indonesia.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, tinutulungan ng 42-anyos ang babaeng kaibigan na ito na nahulog sa terrace.

Dahil dito ay nagtamo ng maraming sugat si Adam na sanhi ng kaniyang kamatayan.
Si Sky o Adam Neat sa tunay na buhay ay pangatlong pinakasikat na DJ sa Asya.

May mga inilabas na rin itong record kasama ang sikat na grupo gaya ng Fatboy Slim, David Guetta at The Scissor Sisters.