-- Advertisements --
Nakabalik na sa bansa si Vice President Sara Duterte matapos ang kaniyang personal na biyahe sa Australia.
Ayon sa Office of the Vice President dakong 1:10 ng hapon nitong Martes dumatin ang bise presidente lulan ang Philippine Airlines flight PR 210.
Sa nasabing biyahe niya sa Australia ay nakapulong niya ang mga Filipino doon.
Magugunitang sa pagdalo ng Bise Presidente sa “Free Duterte Now” sa Melbourne ay iginiit nito hindi nakatanggap ng hustisya ang ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court.