-- Advertisements --

Pinagbawalan ang American rapper na si Kanye West na makapasok sa Australia.

Kasunod ito sa kanta niyang tila nagpupuri pa kay Nazi lider Adolf Hitler.

Kinumpirma ni Australian home affairs minister Tony Burke na kanilang kinansela ang valid visa ni West dahil sa kantang “Heil Hitler” na inilabas noong Mayo.

Ang nasabing kanta ay kinondina na ng maraming mga bansa at ito ay pinagbawalang patugtugin sa halos lahat ng mga platforms.

Ang rapper na kilala bilang si Ye ay nagpapakilala sa sarili bilang Nazi at kilala rin siya sa mga anti-Semitic comments nito.

Ikinasal siya sa Australian designer Bianca Censori.