Itinuturing ng Palasyo ng Malacañang na isang magandang development ang pinakahuling resulta ng survey na nagpapakitang tumaas ang ratings ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na ibig lamang sabihin nito na nakikita ang pagtatrabaho ng Pangulo.
Pero ayon sa Palasyo, hindi magpapa-apekto si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa anumang numero basta’t gagpanan lang nito ang kanyang tungkulin.
Katwiran ni Castro, hindi kasi dapat nagre-rely lamang sa mga survey.
Batay sa pinakahuling survey na isinagawa mula June 27 hanggang 30, nakakuha si Pang. Marcos ng 25 percent approval rating sa second quarter, mas mataas ng 19 percent sa nakaraang quarter habang ang kanyang disapproval rating ay bumaba sa 47 percent mula sa 57 percent.
Gayunpaman sinabi ni Castro mababa man o mataas ang rating ng Pangulo, patuloy ito na magta trabaho.