-- Advertisements --

Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang paghamon sa illegal at coercive actions sa maritime domain ng bansa.

Ito ang binigyang diin ng National Maritime Council (NMC) sa inilabas nitong statement kasabay ng pagdiriwang ng ika-siyam na anibersaryo ng 2016 arbitral award na naipanalo ng PH sa The Hague, Netherlands.

“The Award is binding, final, and cannot be erased or diminished, and is beyond the reproach of politics. It is now an undeniable part of the body of international law’, giit ng konseho.

Mananatili din aniya ang arbitral award bilang gabay para sa maliliit at malalaking bansa na ang rule of law ay dapat respetuhin at walang lugar ang coercion, agresyon at unlawful expansion sa moderno at sibilisadong mundo.

“As we mark this day, we must continue to confront illegal and coercive actions in our waters. The Philippines will assert its maritime rights with clarity and resolve through a sustained presence, strategic communication, the promotion of international law, capability-building, and stronger partnerships with like-minded nations”, dagdag pa ng NMC.

Ipagpapatuloy din ng PH ang pagsusulong ng diplomasiya at konsultasyon kasabay ng pagprotekta sa pambansang soberaniya at maritime integrity ng bansa.

Umapela din ito sa lahat ng mga Pilipino na ipagpatuloy ang pag-rally para sa 2016 Arbitral Award kasabay ng pagprotekta sa soberaniya, sovereign rights at hurisdiksiyon sa ating maritime zones partikular na sa West Philippine Sea.