-- Advertisements --

Nagkamit ng silver medal si Pinay billiard star Chezka Centeno sa 2025 Oneida WPA Women’s 8-ball World Championship.

Tinalo siya sa finals ni Jasmin Ouschan ng Australia sa score na 9-8 sa torneo na ginanap sa Green Bay, Wisconsin.

Nag-uwi si Centeno ng $18,000 o mahigit P990,000 bilang kaniyang premyo.

Bagamat bigo ay nagpasalamat pa rin ito sa mga sumuporta sa kaniyang mga fans.