-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ngayon ang tatlong low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan kaninang alas-2 ng hapon ang isang LPA na nasa labas ng bansa sa distansiyang 745 kilometers (km) ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes na may katamtamang potensiyal na mabuo bilang bagyo sa sunod na 24 oras.

Habang ang isa pang LPA na nasa layong 2,105 km ng silangan ng Extreme Northern Luzon ay may mataas na potensiyal na maging bagyo sa sunod na 24 oras.

Ang isa pang binabantayang LPA, na remnants ng Tropical Depression Danas o dating bagyong Bising na nasa 580 km kanluran hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes ay malabong muling mabuo bilang bagyo.

Bagamat sa ngayon hindi naman direktang nakakaapekto sa bansa ang mga namumuong sama ng panahon.