-- Advertisements --
Muling nagpahayag ng suporta ang gobyerno ng Australia sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kagamitan sa pamunuan ng Philippine Coast Guard
Partikular na rito ang pangako ng Australia na P110M na halaga ng drones at iba pang mga teknolohiya.
Ginawa ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu ang kumpirmasyon sa isang forum bilang bahagi ng obserbasyon ng pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 arbitral award laban sa China.
Una nang nagdonate ang Australian government noong nakalipas na taon ng Very High Frequency (VHF) Base radios sa PCG.
Layon ng donasyon na ito na mapalakas ang kanilang operasyon sa lalawigan ng Palawan.