-- Advertisements --
Inalis na ng Pagasa ang lahat ng signal warnings dahil sa paghina ng bagyong Agaton.
Ayon sa weather bureau, naging low pressure area (LPA) na lamang ito sa nakalipas na mga oras.
Huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 65 km timog silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Samantala, ang bagyong Basyang naman ay nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Namataan ito sa layong 1,545 km sa silangan ng Central Luzon.
Dahil sa mga development na ito, inaasahang bubuti na ang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.