Sharapova Maria
Maria Sharapova/ IG post

Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro si tennis superstar Maria Sharapova.

Sinabi ng five-time Grand Slam winner, panahon na para magpaalam sa tennis.

Matapos ang 28 taon at limang Grand Slam title ay handa na aniya ito na tahakin ang ibang bundok para makipagpaligsahan ng kakaibang daan.

“Tennis showed me the world—and it showed me what I was made of. It’s how I tested myself and how I measured my growth. And so in whatever I might choose for my next chapter, my next mountain, I’ll still be pushing. I’ll still be climbing. I’ll still be growing.”

Nasa ranked 373 na ngayon ang dating Russian world number 1 makaraang bumaba na rin ang kanyang performance sa nakaraang malalaking torneyo.

Kung maalala taong 2016 nang patawan siya ng 15-month ban matapos magpositibo ito sa drug test sa Australian Open.

Sumikat si Sharapova, 32, noong 2004 ng makuha ang Wimbledon title sa edad 17 at noong 2005 ay naging world’s No. 1.