Kinumpirma ng legal counsel ni former Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. na naibalik ng muli ito sa loob ng kulungan.
Ayon sa ibinahaging mensahe ngayong araw ni Atty. Ferdinand Topacio, nai-transfer na ang dating kongresista sa Bureau of Jail Management and Penology Annex 2 ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.
Aniya’y ang isinagawang paglilipat sa kanyang kliyente ay inasiste ng mga tauhan ng BJMP at ilan pang kasama mula sa Philippine National Police Special Action Force.
Ito’y matapos manatili ng dating kongresista sa Philippine General Hospital ng ilang araw kasunod ng operasyong isinagawa na ‘appendectomy’.
Dahil rito’y hawak at nasa kustodiya ng muli ng Bureau of Jail Management and Penology ang akusadong si former Negros Oriental Representative Arnie Teves Jr.
Sa kabila nito’y kinakaharap pa rin ng dating kongresista ang mga patung-patong na kasong may kinalaman sa illegal possession of firearms and explosives at murder o pagpatay.