-- Advertisements --

Inihayag ng kampo ni dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr. na posible na umanong makalabas ng ospital ito ngayong Lunes.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio maari ng ma-discharged mula sa pagkakaospital ang dating kongresista buhat ng ito’y maoperahan.

Ngunit aniya’y kung hindi pa maaring makalabas ito ngayon, bukas ng Martes ng umaga ay siyang kanilang inaasahan.

Paliwanag kasi ni Atty. Topacio, ang kanyang kliyente na si Teves ay mayroon pa ring iniindang sakit kaya’t hindi maseguro kung kaya at maari na itong makalabas ng ospital.

Bunsod nito’y wala pang sapat na kalakasan ang dating kongresista na makadalo ng pisikal sa nakatakda nitong ‘arraignment’ ngayong araw.

Samantala, ibinahagi naman ng kanyang abogado na ang nakaskedyul na pagbasa ng sakdal ay nailipat sa susunod na buwan.

Dapat sanang gaganapin ito ng 8:30 umaga sa Manila Regional Trial Court Branch 12 ngunit ito’y itinakda sa darating na July 14, 2025.

Sa kasalukuyan ay kinakaharap pa rin ng dating kongresista ang patung-patong na kaso na may kinalaman sa illegal possesion of firearms and explosives at kasong pagpatay o murder.