-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihayag ni Atty. James Reserva, isa sa mga abogadong petitioners sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, na handang-handa na sila sakaling muling magsasampa ng kagayang reklamo ang Kamara ngayong Pebrero.

Ito’y matapos na ibasura with finality ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng Kamara at pagtibayin ang kanilang desisyon na unconstitutional ang kaso sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ayon kay Atty. Reserva, hindi dapat inaabuso ang impeachment lalo na kung ito ay bunga lamang ng political vendetta at kung hindi accountability ang tunay na dahilan sa pagsisikap na patalsikin ang besi presidente kundi isang undemocratic na hakbang na sumisira sa esensya ng demokrasya.

Inihayag din ni Reserva na ang pinagsisikapan ng mga kongresista ay hindi kagustuhan ng taumbayan kundi upang magbigay lamang ng pabor ang kanilang amo, na taliwas sa papel ng mga kongresista na sana’y maglilingkod para sa mamamayan.

Aminado din si Reserva na ang desisyon ng Korte Suprema ay malaking sampal sa Kongreso.