-- Advertisements --
Nabigo si World Number 2 tennis star Coco Gauff sa first round ng Wimbledon.
Pinayuko siya ni Dayana Yastremska ng Ukraine sa score na 7–6 (7–3), 6–1.
Ito na ang pangalawang first round na pagkatalo ni Gauff sa Wimbledon sa loob ng tatlong taon.
Ang nasabing pagkatalo ay isang malaking upset dahil sa pagiging kampeon ni Gauff sa French Open noong nakaraang buwan ng talunin niya si Number 1 Aryna Sabalenka.
Si Gauff na ang pangatlong manalalaro na nasa top-five seed na nabigo sa Wimbledon na ang una ay si number 3 Jessica Pegula at number 5 na si Zheng Qinven.