Natapos na ang kampanya sa Wimbledon ni Pinay tennis star Alex Eala.
Hindi nanaig si Eala sa kaniyang kauna-unahang paglalaro sa Wimbledon laban sa defending champion Barbora Krejcikova sa score na 6-3, 2-6, 1-6.
Sa unang set ay hawak ni Eala ang panalo subalit pagpasok ng ikalawa at ikatlong set ay ipinakita ni Krejcikova ang kaniyang kagalingan sa paglalaro laban sa ranked 56 player.
Nanaig ang kagalingan ng Czech player kung saan hawak nito ang 5-0 na puntos sa ikalawang set.
Si Krejcikova ay hindi naglaro sa quarterfinals ng Lexus Eastbourne Open noong nakaraang linggo dahil sa injury habang umabot pa sa finals si Eala sa nasabing torneo.
Pinuri naman ng Czech player si Eala dahil sa ginulat siya nito noong first round.
Susunod na makakaharap ni Krejcikova si World No. 66 Caroline Dolehide o World No. 94 Arantxa Rus sa ikalawang round.
Habang si Eala ay maglalaro naman sa women’s doubles kasama si Eva Lys kung saan makakaharap nila si Olga Danilovic at Anastasia Potapova sa araw ng Miyerkules.