Gagamitin umano bilang depensa ng dating Department of Public Works and Highways o DPWH official na si Felizardo Xasuno ang alegasyong kulang o walang sapat na construction equipment para maayos na ma-verify ang lalim ng steel sheet piles sa isang road dike project sa Oriental Mindoro.
Kasama si casuno sa mga akusado kasama si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa kasong malversation kaugnay ng P289.4-million Sunwest project sa Naujan.
Ayon sa abogado ni Casuno, magpapatotoo si Jonathan Araullo ng DPWH Region IV-B tungkol sa kakulangan ng equipment na kailangan upang matukoy kung naaayon sa standards ang pagkakabit ng sheet piles.
Hindi naman ito ma-stipulate ng prosecution dahil Hindi nito makumpirma ang naturang alegasyon.
Nakatakdang tumestigo si Araullo sa Setyembre 29, habang si Casuno naman ay haharap sa witness stand sa Oktubre 1.
Samantala, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na sa inspeksyon noong Setyembre 2025, natuklasan niyang tatlong metro lamang ang steel sheet piles sa proyekto, kumpara sa 12 metrong requirement.
















