-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng Wimbledon si Sebian tennis star Novak Djokovic.

Ito ay matapos na talunin niya si Alexandre Muller ng France sa score na 6-1 6-7(7) 6-2 6-2.

Mula noong unang pagsabak niya sa Wimbledon sa taong 2005 ay hindi pa natatalo sa first round si Djokovic.

Target ng seven-time Wimbledon champion na mapantayan si Roger Federer sa All England Club.

Sinabi nito na hindi siya nagkukumpiyansa dahil sa nagsisimula lamang ang laro at marami pang mga manlalaro ang kaniyang makakaharap.