Nanawagan si Kalookan Bishop at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Pablo Virgilio Cardinal David sa gobyerno an dapat gumawa ng hakbang laban sa talamak na online gambling sa bansa.
Sinabi nito na mas matindi ang epekto ng mga online gambling dahil kahit sino ay puwedeng makapaglaro nito.
Binatikos din nito ang gobyerno dahil sa pinagbawalan nga ang offshore gaming subalit ginawang legal ang mga online gambling.
Lahat ay nakakapaglaro kahit anumang araw na gusto nila maging ang mga bata.
Itinuturing din niya na isang mga pushers ang mga celebrities at influencers na nag-eendorso ng mga online gambling.
Nilalambat umano nila ang mga inosente at mga desperado sa malawak na digital na dagat ng sugalan.
Una rito ay naghain ng panukalang batas si Senator Sherwin Gatchalian na naglalayong maghigpit sa mga online gambling.
Nakasaad sa panukala na dapat ay mayroong ipakita na ID ang mga maglalaro at ito ay edad 21 pataas.
Kasama rin dito ang minimum bet na P10,000 at ang minimum top-up ay P5,000 para hindi lahat ay makapaglaro.