ellis

Nagpositibo sa coronavirus ang senior legal adviser ni US President Donald Trump na si Jenna Ellis.

Siya ang pinakabagong opisyal ng White House na nagpositibo sa COVID-19.

Sinundan niya ang kasama sa legal team na si Rudy Giuliani.

Magugunitang magkasama sina Giuliani at Ellis sa pagdepensa kay US President Donald Trump para kuwestiyunin ang resulta ng halalan dahil umano sa malawakang dayaan.