-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni Vice President Sara Duterte na hindi ito makakabalik pa sa bansa bago ang Sate of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pagkatapos kasi ng SONA sa Hulyo 28 ay sinabi ng mga mambabatas ng 20th Congress na sisimulan na nila ang impeachment trial.

Ayon sa Bise Presidente, na mayroong mga paghahanda na ginagawa ngayon ang kaniyang mga abogado.

Ipinapaubaya niya muna sa kaniyang abogado ang mga kasagutan at pag nakauwi na ito sa bansa ay handa nitong sagutin ang mga katanungan.

Iginiit din ng bise na iligal ang ginawang pagkuha ng mga impormasyon ukol sa kaniyang bank records kung saan handa niya itong sagutin sa takdang panahon.