-- Advertisements --

Kinumpirma ng Taiwan Coast Guard Administration (CGA) ang paglilipat sa Pilipinas ng isa nitong decommissioned vessel.

Ang naturang hakbang, ayon sa ahensiya, ay bahagi ng international cooperation practices ng Taiwanese government.

Bagaman hindi pa kinumpirma ng naturang estado kung anong barko ang ililipat nito sa Pilipinas, ilang maritime tracking groups na ang nag-ulat na ang decommissioned ship ay ang dating Lienchiang (CG125), isang 61-meter, 688-ton patrol vessel.

Ang naturang barko ay dating kinomisyon ng Taiwan noong 2008 ngunit tuluyan ding iniretiro noong 2023.

Inaasahang dadalhin na ang naturang barko sa Pilipinas ngunit kasalukuyan itong sumasailalim sa sea trial at iba pang pagsasaayos, sa Kaohsiung, southern Taiwan

Sa ngayon, wala pang malinaw na impormasyon kung saan ang paggamitan sa naturang barko kapag tuluyan na itong nakarating sa bansa.

Ang Lienchiang CG125 ay halos kapareho ng Philippine Coast Guard vessels BRP San Juan at BRP Pampanga na ginagamit bilang search and rescue vessel.