Dapat maging matapang, matalino at patas ang susunod na Ombudsman.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer USec. Claire Castro, kasunod ng nakatakdang pagretiro ni Ombudsman Samuel Martires sa July 27,2027.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, wala pang napupusuan si Pangulong Ferdinand Marcos na papalit sa pwesto ni Ombudsman Martires.
Hinihintay din ng Malakanyang ang shortlist na ibibigay ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Marcos Jr. para kaniyang pagpipilian.
Nasa 17 ang applicants ang nag-apply para maging susunod na Ombudsman.
Kabilang sa mga aplikante ay si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ayon naman sa JBC nakatakda ang public panel interviews sa mga apllicants sa July 30, 31, August 1, at August 4, 2025.
Responsibilidad ng Ombudsman na imbestigahan at litisin ang mga opisyal ng gobyerno na akusado sa krimen gaya ng graft and corruption.