Naniniwala ang Malacañang na walang dapat ikabahala sa kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa kabila ng ulat mula sa kanyang pamilya na labis itong namayat habang nasa The Hague.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, base sa pahayag ng dating asawa ni Duterte na si Elizabeth Zimmerman, bagama’t pumayat ito ay mukhang nasa maayos naman itong kalagayan.
Lalo’t mismong ang dating Pangulo pa raw ang nagsabi na “okay” sya at hindi na rin daw sya umiinom ng maintenance medicine.
Ganito rin daw ang sinabi ni Vice President Sara Duterte na maayos ang lagay ng kanyang ama.
Tiniyak ng Palasyo na nabibigyan ng sapat na ate syong medikal si Duterte habang nasa The Hague at hindi siya pababayaan habang humaharap ito sa kanyang kaso sa International Criminal Court.
Dagdag pa ni Castro, posibleng kailangan lang ng dating Pangulo na mag ehersisyo.