-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagkaantala ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa Pastoral letter na inilabas ng CBCP na nakakabahala na ang pagkaantala sa Senado sa pagsasagawa na ng impeachment process sa Bise President.
Naniniwala ang CBCP na ang impeachment ay siyang magpapakita ng katotohanan at katarungan.
Hinikayat din nila ang mga mananampalataya na makinig sa iba’t-ibang panig ng bukas para magkaroon ng pantay na pagtrato sa nasabing usapin.
Una ng dumepensa si Senate impeachment court spokesperson Regie Tongol , na pinapatagal nila ang impeachment hearing ni Vice President Duterte.