-- Advertisements --

Binigyang diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maraming dapat na ikonsidera sa pagbili ng mga destroyer ship mula sa Japan.

Partikular na tinukoy ng kalihim ang planong pagbili ng Abukuma-Class Destroyer Escorts sa naturang bansa.

Ayon kay Teodoro, sa ngayon ay hinihintay nila ang isusumiteng ulat ng Philippine Navy hinggil sa naturang plano.

Una nang kinumpirma ng Philippine Navy ang alok ng Japanese government na magsagawa ng inspeksyon sa naturang mga barkong pandigma.

Ginawa ng kalihim ang pahayag sa naging pagdalo nito sa pagbubukas ng Pacific Amphibious Leaders Symposium sa lungsod ng Taguig.

Punto pa nito na isa sa kailangang ikonsidera ay kung magkakasya ito sa fleet.

Maliban dito ay ikokonsidera rin ng ahensya kung kailangan pang gumastos ang pamahalaan sa pagbili ng mga armas na ilalagay sa naturang barkong pandigma.