-- Advertisements --

Nabili sa isang auction sa Japan ang bluefin tuna sa halagang $3.2 milyon.

Ang nagwagi ay may bigat na 243 kilod ay nabili ng Kiyomura Corporation ang sikat na operator ng restaurant sa Japan.

Ikinagulat ni Kiyoshi Kimura ang pangulo ng kumpanya na aabot sa nasabing halaga ang isda.

Noong 2019 ay nakabili na rin ito ng bluefin tuna sa halagang $2.1M ganun din noong 2012 at 2013 na siya ang nagwagi sa bidding.

Taon-taon ay dinarayo ang Toyosu fish market sa Tokyo na nagbebenta ng mga kakaiba at mamahaling uri ng mga isda.