-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Japan ang isang lalaki dahil sa ginawa nitong pananaksak sa walong katao.

Nangyari ang insidente sa Yokohama Rubbr Company sa Mishima City sa Shizuoka prefercture.

Dahil sa insidente ay sugatan ang walong katao na agad naman sila dinala sa pagamutan.

Ginamit ng 38-anyos na suspek ang survival knife kung saan nakasuot ito ng gas mask bago noong isinagawa ang insidente.

Nagtapon pa ng bleach ang suspek kung saan pitong mga katao ang nasugatan dito.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng nasabing suspek.