-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos para sa nalalapit nitong State of the Nation Address (SONA) sa darating na July 28,2025.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na abala na ngayon ang Pangulo sa paglalatag ng kaniyang SONA para mas maganda ang maiuulat nito sa taongbayan.

Sinabi ni Castro, asahan ang ulat ng mga proyekto at accomplishments ng administrasyong Marcos sa SONA ng pangulo .

Wala namang detalye na ibinigay pa si Castro kaugnay sa lalamanin ng sona ng pangulo dahil patuloy pa aniya itong inihahanda ng pangulo.

Sa mga susunod na linggo aniya bago ang takdang sona ay saka siya maglalatag ng ilang mga detalye ng sona ng pangulo.

Sa kabilang dako, patuloy din ang paghahanda ng Kamara para sa SONA ng Pangulo.