Nanindigan si Republican Senator Mitt Romney na boboto ito para mapatalsik si US President Donald Trump.

Ito ay dahil sa pag-abuso nito sa kapangyarihan sa isinasagawang impeachment trial.

Tanging si Romney lamang ang Republican senator na bomuto sa pagpapatalsik kay Trump dahil sa pag-pressure sa Ukraine para imbestigahan si dating Vice President Joe Biden.

Sa kaniyang talumpati sinabi nito na ang ginawa ni Trump ay para lamang sa kaniyang pansariling interest dahil magiging matinding katunggali nito si Biden sa darating na halalan.

Inaasahan na ang gagawin ng US Senate sa kanilang desisyon na pag-abswleto kay Trump sa impeachment trial.

-- Advertisement --