Patuloy ang pagkalat ng lahat ng uri ng monkeypox virus (MPXV) sa ilang bansa, na nagdudulot ng panganib ng tuloy-tuloy na transmisyon sa komunidad.
Habang 19 na bansa sa Africa ang may aktibong mpox transmission, kung saan iba’t ibang clade ang naitala sa West, Central, at East Africa.
Bumaba ang bilang ng kumpirmadong kaso sa buong kontinente, lalo na sa Sierra Leone at Democratic Republic of the Congo, ngunit may hamon pa rin sa access sa testing.
Tumaas naman ang kaso sa West Africa, partikular sa Guinea, Liberia, at Togo, dahil sa paglaganap ng clade IIb MPXV.
Sa China, may siyam na bagong kaso ng clade Ib MPXV, ngunit hindi pa tiyak ang status ng transmisyon.
Iniulat din ng Türkiye ang isang kaso ng clade Ia MPXV mula sa isang biyahero noong Oktubre 2024, ngunit walang naitalang secondary cases.