-- Advertisements --

Umabot na sa 29 katao ang nasawi matapos ang naganap na stampede sa Monrovia, Liberia.

Naganap ang insidente sa isang all-night Christian worship event sa New Kru Town sa bayan ng Jalawah Tonpo.

Posibleng madagdagan pa ang bilang dahil marami pa rin ang nasa pagamutan at kritikal ang kanilang kondisyon.

Base sa imbestigasyon nagkaroon ng stampede ng papalapit ang mga armadong kalalakihan na nagtangkang mangholdap sa mga tao.

Patuloy naman na nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.