-- Advertisements --

Dinukot ng mga pirata sa Nigeria ang dalawang empleyado ng barko sa kahabaan ng Gulf of Guinea.

Ang Water Phoenix na Liberian-flagged refrigerated vessel ay mula sa Netherlands patungo sa Lagos ng isinagawa ng mga priata ang pag-atake.

Hindi pa binanggit ng kumpanya ang nationality ng ng mga dinukot na empleyado ng barko.

Ligtas naman na nakarating a Lagos ang 16 iba pang crew lulan ang 4,800 toneladang barko.

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa nasabing insidente.