-- Advertisements --

Inilabas na ng Aircraft Investigation bureau ng India ang kanilang preliminary report sa pagbagsak ng Air India noong buwan ng Hunyo.

Base sa imbestigasyon na pinutol umano ang fuel control switches sa cockpit ng Boeing 787 Dreamliner na nagdulot sa hindi pagkarga ng fuel sa makina.

Ito rin ang nakitang lumabas sa black boxes kabilang ang 49 hours flight data at dalawang oras na cockpit audio.

May bilis na ng 180 knots ang eroplano ng ang dalawang makina nito ay nakaranas ng “fuel cutoff”.

Maririnig sa audio recording na tinanong ng piloto kung bakit niya pinutol kung saan itinanggi naman ng kasamahan nitong piloto.

Ang fuel cutoff ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang piloto kung saan ito ay may locking mechanism para maiwasan na aksidenteng magalaw.

Ang captain ng flight ay isang 56-anyos na lalaki na mayroon ng 15,000 oras sa career nito habang ang ikalawa ay 32-anyos na mayroon na ring 3,400 flying hours.

Magugunitang noong Hunyo 12 ng ang eroplano ay galing sa Sardar Vallabhbhai Patel International Airport at patungo sa London ng ito ay bumagsak.

Sa kabuuang 242 na pasahero at crews na kinabibilangan ng 169 na Indian nationals, 53 Britons, pitong Portuguese at isang Canadian ay isang Briton lamang ang nakaligtas.