KALIBO, Aklan—Itinuturing ng grupong Bantay Bigas na palyadong hakbang ang iba’t ibang programa na inilunsad ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. na umano’y layuning mapababa ang presyo ng bigas sa palengke.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Bantay Bigas spokesperson at secretary general of Amihan National Federation of Peasant Women Cathy Estavillo, hindi nila itinuturing na tagumpay ang inilahad na programa gaya ng “Benteng Bigas Meron Na” o BBM Rice Program, pagpababa ng taripa ng mga inaangkat na bigas at iba pa.
Binigyang diin ni Estavillo na limitado lamang ang nakikinabang sa nasabing programa sa pangunguna ng National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA).
Batay sa datos, malaking bilang pa rin ang nagugutom na mamamayang Pilipino at naghihikahos na mga pamilya dahil sa hindi naman naramdaman ito na aniya pa ng gobyerno ay libo-libong pamilya na ang nakinabang mula nang simulant ang iba’t ibang program ng pamahalaan upang maiwasan ang kagutuman sa bansa.
Kaugnay nito, umaasa ang grupo sa pangako ni incoming Senator-elect Erwin Tulfo na unang tatrabahuhin nito na maibalik muli sa mga palengke ang NFA rice sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Hulyo.
Ngunit, bago pa man maipatupad ito ay kailangan munang balikan at i-adjust ang ilang probisyon sa Rice Tarificarion Law (RTL) o ang Republic Act. 12078.
Nabatid na inalisan ng kapangyarihan ang NFA ng nasabing batas na magbenta ng bigas sa mga palengke dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa nasabing ahensya.
Maari lang itong bumili ng bigas sa mga magsasaka o mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa para gawing “buffer stock” ng bansa.