-- Advertisements --

Hinimok ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang publiko na bantayan kung paano ginagastos ng executive branch ang P6.7 trilyong 2026 national budget.

Ayon kay Lacson, hindi dapat matapos ang pampublikong pagbabantay sa oras ng approval at pagpirma sa batas, kundi dapat ipagpatuloy sa aktwal na implementasyon. Binanggit niya na ang parehong vigilance na ipinakita ng Simba­han, religious groups, at civil society organizations sa bicameral debates ay dapat ipagpatuloy upang matiyak ang tamang paggasta sa pera ng mga taxpayers.

Ipinaalala ni Lacson na ang 2026 budget ay magiging sukatan kung may tunay na reporma sa gobyerno, at dapat pag-aralan ang mga nakaraang kaso ng korapsyon sa mga nakaraang budget.

Kabilang sa ipinatupad ng Senado ang general at special provisions bilang safety nets, kabilang ang pagbabawal sa guarantee letters at political patronage sa libreng medical assistance. Dapat ding isagawa ang Medical Assistance sa ilalim ng Universal Health Care law. (Report by Bombo Jai)