-- Advertisements --
Tinawag na fake news ng Department of Finance ang lumabas na ulat na papatawan ng 20 percent buwis ang mga ipon sa bangko ng mga depositors.
Ito ay may kaugnayan sa pagpapatupad nitong Hulyo 1 ng Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA).
Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, na ang tanging interest lamag na kinikita sa isang depositor ang bubuwisan.
Hindi magagalaw o papatawan ng buwis ang kabuuang pera ng depositors na nasa bangko.
Ang nasabing hakbang napapaloob sa Tax Reform Act of 1997 na ipinapatupad ng ilang dekada na.
Dagdag pa ng kalihim na maaring isangguni sa mga bangko kung mayroong pagdududa sa nasabing pagpapatupad ng batas.