-- Advertisements --

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ni Cassandra Li Ong laban sa mga komite ng Senado at House of Representatives na nagsasagawa ng imbestigasyon ng anomalya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Base sa desisyon na pirmado ni Associate Justice Jhosep Lopez. na kinikilala ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Kongreso na magsagawa ng pagdinig in aid of legislation.

Si Ong ay sangkot sa operasyon ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga na ni-raid ng mga otoridad dahil sa iligal na operasyon nito.

Inilahad ni Ong sa kaniyang petisyon na nilalabag ng Kongreso ang kaniyang karapatan para manahimik at right against self-incrimination.

Inakusahan pa nito ang House QuadComm na inabuso ang kapangyarihan at lagpas na sa hurisdiction sa pagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa pinipilit siyang magbigay ng impormasyon.

Paglilinaw ng SC na ang legislative power ng Kongreso ay nakasaad sa 1987 Constitution kaya walang nakitang paglabag.

Si Ong at iba pa ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking na isinampa noong Abril.