-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin ang matagumpay nilang pag-testing ng nuclear-powered Burevestnik cruise missile.
Isinagawa ang missile test ilang araw matapos ang bigong pagpupulong sana nila ni US President Donald Trump.
Dahil din dito ay pinatawan ng US ng sanctions ang mga malalaking oil companies ng Russia.
Sinabi naman ni Valery Gerasimov ang chief general ng Russian armed forces, na ang Burevestnik missile ay nanatili ng 15 oras sa himpapawid at sumakop ng hanggang 14,000 kilometers.
Mayroon din itong kapasidad na umiwas sa mga anti-missile at anti-aircraft defences.
Pinag-aaralan pa ngayon ni Putin ang paraan kung paano ito gamit at ang imprastraktura para mailunsad ang nasabing missile.
















