Magpapadala ang Russian space agency ng mga actress at director sa International Space Station sa darating na Oktubre.

Ayon sa space agency ng Russia na Roscosmos na gaganapin ang pagtungo ng mga actress at film crew sa Oktubre 5, 2021 mula sa Baikonour cosmodrome sa Afghanistan.

Sasakay ang mga ito ng Soyuz MS-19 manned transport spacecraft.
Bago magtungo ay sasailalim sa pagsasanay ang 36-anyos na actress na si Yulia Peresild at director Klim Shipenko.

Magsisimula ang kanilang training sa June 1.

Target ng Russia na maging unang bansa na makagawa ng pelikula mula sa kalawakan.