Nakatakdang magpadala ang North Korea ng dgagd na 30,000 na mga sundalo nito para tumulong sa Russia sa paglaban nito sa Ukraine.
Base sa isinawalat ng intelligence office ng Ukraine na maaring dumating ang nasabing bilang sa susunod na buwan.
Noong Nobyembre kasi ng nakaraang taon ay nagpadala na ang North Korea ng 11,000 na sundalo na siyang tumulong para sakupin ang Kursk region ng Ukraine.
Sa nasabing insidente ay nasa 4,000 na mga sundalo ng North Korea ang nasawi.
Dagdag pa ng Ukraine Intelligence Agency na mayroong eroplano ng Russia ang nakita nila sa border ng Siberia kung saan naghahakot na ng mga sundalo mula sa North Korea.
Dahil dito ay patuloy ang hiling ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyadong bansa nito na dapat ay dagdagan ang kanilang mga tulong militar sa kanila.