-- Advertisements --

Naniniwala si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante na hindi sapat sa porma ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahilan kaya nag-walkout ang beteranong mambabatas sa pagdinig ng House Justice Committee.

Dahil dito, nagdesisyon si Abante na mag-walkout sa pagdinig ng House Committee on Justice.

Tahasang iginiit ni Abante na kulang umano sa porma ang nasabing mga reklamo, dahilan ng kanyang pag-alis sa sesyon.

Nagpasalamat naman si Abante sa suporta ng kanyang mga kasamahan sa kanyang pagtutol.

Dagdag pa ng kongresista, sa kanyang pag-unawa ay isa lamang itong walang saysay na proseso at pag-aaksaya ng pera ng taumbayan, kaya minabuti niyang mag-walkout sa kasagsagan ng pagdinig.

Gayunpaman, sa kabila ng pag-walkout ni Abante, nagpatuloy pa rin ang pagdinig ng Komite.