-- Advertisements --
Nagkausap sa telepono si US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.
Ayon sa White House, na ito na ang pang-anim na pag-uusap ng dalawa mula ng maupo muli sa puwesto sa Trump.
Ilan sa mga tinalakay ng dalawang lider ay ang usapin tungkol sa Ukraine at ang sitwasyon sa Iran.
Isinulong ni Trump ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan marapat na sila ay tumugon na agad.
Sinabi naman ni Yuri Ushakov ang Foreign Affairs Adviser ni Putin na kanila lamang tutugon sa peace deal kung makamtan nila ang kanilang matagal nagdudulot ng kaguluhan.
Magugunitang makailang ulit na sinabi ni Trump na kaniyang tatapusin ang anumang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.