-- Advertisements --

Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong 15 police ang nasa restrictive custody dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi ng kalihim na sa opisina lamang sila magrereport sa trabaho para hindi sila makasakit.

Ang mga ito umano ay direktang pumaslang sa mga nawawalang sabungero.

Isinagawa ni Remulla ang pahayag matapos ang pakikipagpulong nito sa mga pamilya ng biktima

Kinumpirma din ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman at Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan na nagsimula na ang imbestigasyon sa nasabing usapin.