-- Advertisements --

Standed ang ilang pasahero sa Metro Manila dahil sa mga pagbaha dulot ng isang low-pressure area (LPA) at Southwest Monsoon o Habagat nitong Huwebes.

Sa Pasig City, mahaba ang pila ng mga pasahero sa Ortigas Avenue at Ortigas Avenue Extension habang naghihintay ng masasakyan. Naobserbahan din ang bigat ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Batay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Alas-6:46 kaninang umaga naitala ang bahagyang pagbaha sa westbound lane ng Quirino Avenue (Guazon) at higit pa sa gutter-deep na baha sa Andrew Avenue at Tramo Street eastbound.

Gayunpaman, passable na aniya ang mga apektadong kalsada matapos humupa ang baha.

Ayon sa state weather bureau, asahan pa rin ang malalakas na pag-ulan dahil sa LPA at habagat. Tinatayang aabot sa 50 hanggang 100 milimiter ng ulan ang babagsak sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro mula Miyerkules hanggang Huwebes ng gabi.

Parehong antas ng pag-ulan ang inaasahan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, at Ilocos Norte.