-- Advertisements --
Natagpuang patay ang sinibak na cabinet official ni Russian President Vladimir Putin.
Ayon sa Investigative Committee nakita ng mga otoridad ang bangkay ni Russian transport minister Roman Starovoit.
Sinasabing nagpakamatay ito gamit ang isang uri ng baril.
Hindi naman binanggit ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng kaniyang pagkasibak sa puwesto.
Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.